Philippine Maritime Institute ipinasara ng CHED

LIBONG estudyante ng Philippine Maritime Institute (PMI) ang nagkagulo matapos ipasara ng Commission on Higher Education (CHED).

Ayon kay CHED Executive Director Atty. Julito Vitriolo, 2006 pa nila binalaan ang PMI na pagbutihin ang kalidad ng pagtuturo at ang mga pasilidad, ngunit wala umanong nangyari.

“Ininspeksyon sila ng European commission una nung 2006, tapos itong 2011, wala pa rin, nagdeteriorate pa nga,” sabi ni Vitriolo.

Dagdag niya, kailangan umano itong gawin ng CHED para sa kapakanan ng daang-libong Filipino seaman na pinagkakatiwalaan sa buong mundo.

Patatapusin na lamang aniya ang 4th year students ng PMI hanggang Marso, ngunit hindi na ito maaaring tumanggap ng bagong enrolees.

May dalawang campus sa Metro Manila at isa naman sa Bohol ang PMI.

Kasabay nito, iniinspeksyon na rin ng CHED ang pasilidad at performance ng may 94 na Maritime schools sa buong bansa.

Bukod dito, sisimulan na rin ang pagiinspeksyon sa ilang nursing schools.

Pinayuhan naman ang CHED ang mga paaralan na itaas ang kalidad ng kanilang pagtuturo upang hindi na matulad sa PMI.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply