Philippine stocks nakabawi ngayong araw

BUMAWI ngayong araw ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) matapos ang tatlong araw na matamlay na kalakalan.

Batay sa datos ng PSE, tumaas ng 1.76 percent o 67.39 points ang antas ng local stocks, habang ang mas malawak na all-share index ay tumaas naman ng 1.15 percent o katumbas ng 31.83 points.

Naniniwala ang mga eksperto na magandang senyales para sa kalakalan sa bansa ang ganitong scenario, lalo na kung magpapatuloy pa hanggang sa huling quarter ng taong kasalukuyan.

Sa kabila nito, may ibang konsiderasyon din naman umano ang pagbaba at pagtaas ng stock index lalo na kung may mga major adjustment na naitatala sa loob at labas ng ating bansa.

Matatandaang sa ilang pagkakataon ay nagkakaroon ng impact sa kalakaran sa Pilipinas ang pagbaba at pagtaas ng foreign stocks.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply