PHL ika-5 sa may pinakamataas na singil ng kuryente sa buong mundo

TAHASANG inihayag ngayon ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na ang Pilipinas ay kabilang sa limang bansa na may pinakamataas na singil sa kuryente sa buong mundo.

Ayon kay TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza, sa kasalukuyan ay naglalaro na sa 10.52 pesos ang presyo ng kada kilo watt hour ng kuryente sa bansa, ika-lima sa pinaka mahal sa mundo.

Nasa 11.78 pesos ang presyo ng kada kilowatt hour sa Austria, 11.84 pesos ng Italy, 13.87 pesos ng Germany at 14.98 pesos ang Denmark.

Binigyang diin ni Mendoza na kapag naaprubahan pa ang petisyong iakyat ng limang piso ang halaga ng kada kilo watt hour sa bansa ay tayo na ang may pinakamahal na singil ng kuryente sa buong mundo. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply