PHL kapos sa paghahanda vs kalamidad

NAGHIHIMUTOK na hiniling ng isang senador sa pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang batas hinggil sa kahandaan laban sa epekto ng kalamidad at climate change sa Pilipinas matapos manatiling nasa mataas na ranggo ang bansa sa kakapusan ng paghahanda sa ganitong pangyayari.

Sinabi ni Sen. Loren Legarda na nakapaghihinayang na matunghayan na nananatiling nasa itaas ng global ranking ang Pilipinas sa climate-vulnerability index sa kabila nang nailatag na ang kaukulang batas upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa ating komunidad,

“Nakakadismaya sa harap ng ating pagkilos na palakasin ang ating depensa laban sa masamang epekto ng natural hazards at pagpapalit-palit ng klima, nananatiling mataas ang ating climate-vulnerability indices,” ayon kay Legarda.

Ayon kay Legarda, lubhang nakakaalarma ang kalagayan ng ating bansa hinggil sa kalamidad at climate risks dahil patuloy na umaakyat ang Pilipinas sa global ranking sa climate-vulnerability.

Tinutukoy ng senador ang kahandaan ng pamahalaan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa komunidad at pagbabago-bago ng klima na tila hindi mahigpit na naipatutupad ang batas hinggil dito na siyang nagiging sanhi ng malawakang pagbaha at paglalagay sa panganib sa buhay ng apektadong mamamayan at ari-arian.

Noong 2009, nailagay ang bansa sa ika-12 puwesto ng United Nations International Strategy on Disaster Reduction (UNISOR) base sa Mortality Risk Index, sa 200 bansa na may pinakamapanganib sa buhawim, pagbaha, lindol at landslide.

Noong 2010, pumang-anim ang bansa sa Climate Change Vlunerability Index sa lahat ng bansang nanganganib sa pagbabago ng klima. At ngayon, 2011, pumangatlo na ang Pilipinas sa pinakamatinding panganib sa kalamidad at pagbabago ng klima.

“Kailangan pa natin hintayin na maging number one tayo sa climate-vulnerability rangking. Sinasabi sa atin ng buong mundo na nasa panganib tayo sa bawat pagdating ng natural na kalamidad, pero ito tayo palaging naghihintay na mangyari ang kalamidad bago tayo matuto sa masakit na aral sanhi ng kawalan ng kahandaan laban sa pagdating ng bagyo, lindol o anupaman humahagupit sa atin at mas maraming biktima ang namamatay at mas maraming yaman at pamuhunan ang nalulusaw,” himutok ng senador.

“Our disaster risk reduction and management system needs to be more proactive, coherent and effective. We have to establish early warning systems, make our infrastructures disaster-resilient, make our communities prepared whenever natural hazards occur, and we must link disaster risk reduction and preparedness to development planning. We will not train our sights merely on enhancing our capacities to re-build in times of disasters; but rather on reducing risks for our people and building lasting communities,” patapos ni Legarda. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply