PHL nag-sorry sa Tsina sa binanggang bangka ng Navy

HUMINGI na ng paumanhin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa embahada ng China ukol sa insidente ng pagkakabangga ng gunboat ng Philippine Navy sa mga bangka ng China sa may Recto Bank.

Sinabi ni Raul Hernandez, tagapagsalita ng DFA, hila-hila ng malaking Chinese vessel ang 25 bangkang de motor sa may Recto Bank na matatagpuan sa 150 kilometro mula sa Palawan ng lapitan ng Philippine Navy gunboat upang sitahin at impormahan ang mga ito na nasa teritoryo sila ng Pilipinas.

Habang papalapit ang Phil. Navy ay aksidenteng nabangga nito ang isa sa mga sasakyang pandagat ng Tsina, na nag-akalang may balak na hindi maganda laban sa kanila kaya’t dagling sumibad ang mga ito palayo sa gunboat at naiwan ang iba pang bangka.

Ipinaliwanag ni Lt.Gen. Juancho Sabban, hepe ng Western Command na nakabase sa Palawan, hindi sinadya ng Phil. Navy ang insidente at nagkaroon lamang ng aberya ang “steering mechanism.”

Ayon sa DFA, ibabalik na rin nila ang 25 bangkang pangisda na iniwan ng Chinese mother ship.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply