PHL Patriots kinalasan ni Louie Alas

AYON sa mapagkakatiwalaang source kumalas na si Louie Alas bilang coach ng PHL Patriots ay hindi na tututok sa pangalawang season ng ASEAN Basketball League sa papasok na liga sa Enero 2012.

Ang dahilan ni Alas ay magpapahinga muna siya matapos na tanganan ang Letran Knights sa NCAA season.

Pinagpasyahan muna niya na magpahinga ng hanggang Disyembre matapos ang tatlong taong aktibong pagtangan sa NCAA at ABL na kung saan kanyang ginabayan ang Patriots sa unang titulo noong isang taon subalit sa huling season ng ABL natalo ang koponan laban sa Chang Thailand Slammers sa finals.

Bago ito nanalo si Alas ng titulo bilang coach ng Manila Metrostars sa Metropolitan Basketball Association. Naitala rin niya ang tatlong kampeonato para sa San Juan de Letran Knights sa NCAA ng makatatlong beses.

Kaugnay ng pinakahuling kaganapan pinupuntirya ng Patriots na ihahalili kay Alas ang sinoman kina Billy Ray Bates, beteranong import player sa Philippine Basketball Association at ang bagong head coach ng San Sebastian College sa NCAA na si Topex Robinson na maganda ang ipinamamalas sa kasalukuyang liga ng NCAA na kung saan pasok na sa twice-to-beat incentive ang Stags na makakaharap ang San Beda Red Lions, Letran Knights at Jose Rizal Heavy Bombers sa semifinals.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply