PHL volleybelles mapapalaban sa mga dayuhan

INAABANGAN ng Army at Ateneo de Manila volleybelles ang mga bibisitang Vietnam at Malaysia upang makipagpaluan sa magaganap na V-League Invitational Club Championship sa The Arena sa San Juan City bukas (Oktubre 27).

Pakay ng defending champion Army kasama pa ang Ateneo na hiyain ang mga dayuhan sa four-day event na may single round robin format at ang top two ay ang maglalaban para sa finals.

“We are ready but we expect a tough competition against foreign squad.” anang isang opisyales ng nasabing event.

Magpapakitang gilas ang magkapatid na Michelle at Marietta Carolino ng Army sa kanilang laban kontra Malaysia na silver medalist sa kanilang liga at pangungunahan ng dating SEA Games players na sina Lim Lay Kuan, Josephine Goh,Teon Kwan Kee at Nur Haizreen. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply