Pia napatameme ni Lito Lapid sa RH bill

SA kauna-unahang pagkakataon ay naganap na ang pinakahihintay na interpelasyon ni Senador Lito Lapid kay Senadora Pia Cayetano kaugnay sa kontrobersyal na Reproductive Health Bill.

Naipakita ni Lapid na kaya niyang makipagsabayan kay Cayetano sa pamamagitan ng pagsasalita ng Filipino na kung saan ay malinaw niyang naipagtanggol ang kanyang opinyon sa RH bill.

Inamin ni Lapid na nanginginig siya sa pagharap sa debate subalit agad namang nawala makaraang papurihan siya ng ilang mga senador sa kanyang naging interpelasyon.

Maraming katanungan si Lapid na hindi kayang sagutin ni Cayetano partikular ang personal na halimbawa ng senado na karanasan ng kanyang asawa na gumamit ng contraceptive pero nabuntis pa rin at ang resulta ay  “blue baby” na kalaunan ay namatay din.

Hindi rin nasagot ni Cayetano ang tunay na epekto ng contraceptive pills na ginagamit ng kababaihan upang mapatigil ang pagbubuntis.

Kinuwestiyon din ni Lapid ang pondong gagamitin sa nasabing panukala na kung ilagay aniya sa livelihood ay siguradong maraming matutulungan.

Naputol ang interplelasyon ni Lapid nang biglang sumingit ni Senate President Juan Ponce Enrile sa debate na kung saan ay halos mapikon na si Cayetano sa mga patutsada  nito.

Gayunpaman, muling ipagpapatuloy ni Lapid ang kanyang interpelasyon bukas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply