Pia Guanio buntis

WALA pa rin kumpirmasyong naririnig kay Pia Guanio kung totoong nagpakasal na sila ni Steve Magno last October 1, sa Ayala Alabang.

Sa report kasi ni Joe Barrameda sa kanyang column, mga malalapit na kaibigan at kamag-anak lang daw ang naging saksi sa pag-iisang dibdib ng dalawa.

Lalong umugong ang hinala na totoo ngang nagpakasal na si Pia nang hindi ito sumipot sa talk show niya sa GMA-7. Ang kanyang paalam ay may importante raw siyang aasikasuhin.

Kamakailan kasi ay nagpahayag si Pia na balak nila ng kanyang boyfriend na magpakasal sa summer ng 2012.

Anyway, kung sadyang inilihim ni Pia ang kanyang kasal ay karapatan lang niya ito dahil siya ang ikakasal.

Hindi lang maiiwasan ng ilang tao na magulat kahit engaged na ito kay Steve dahil napaaga ang kanilang planong pagpapakasal.

***

TINAWANAN lang ni Ryan Agoncillo ang tsismis tungkol sa kanila ni Daiana Menezes. Dahil sa tsismis ay nangarag ang beauty ni Daiana dahil sa panggugulo at pang-aaway sa kanya ng mga fans nina Judy Ann Santos at Ryan.

Naghimutok nga si Daiana dahil kung anu-ano ang itinatawag sa kanyang ng mga fans nina Juday at Ryan sa Twitter.

Alam daw ni Ryan kung saan at paano nagsimula ang pagkaka-link nila ni Daiana. Nag-ugat daw ito sa blind item na naisulat ng kilala niyang writer.

Pero ito ay kaagad na nilinaw ni Ryan na walang katotohanan ang mga tsismis na may lihim silang landian ni Daiana lalo na kapag magkasama sila sa Eat Bulaga.

Ayon pa kay Ryan, normal at kaswal lang ang samahan nila ni Daiana na walang pinagkaiba sa mga female co-host niya sa Eat Bulaga.

Katunayan ay hindi raw ito pinatulan ni Juday dahil alam nitong walang katotohanan ang tsismis. Sabi pa ni Ryan, wala raw dahilan para magloko siya dahil masaya at kuntento sila ng misis niyang si Juday.

***

DAHIL freelance artist si Sheryl Cruz kaya puwede siyang gumawa ng project kahit saang TV network.

Katatapos lang niya ng “Mga Nagbabagang Bulaklak” sa TV5, ngayon ay nasa main cast siya ng “Ikaw Lang Ang Mamahalin” bagong teleserye ng GMA 7, bilang sosyal at mataray na kapatid ni Gardo Versoza.

Sa ginanap na presscon ng panghapon teleserye ng Kapuso network ay marami ang nakapansin na blooming at parang hindi tumatanda si Sheryl. Biro tuloy sa kanya ng mga press ay mukha raw itong in-love kaya tinanong kung may nagpapasaya ba ngayon sa puso niya?

Kaagad naman niya itong itinanggi at sinabi nang diretsahan na wala pang lalaking nagpapasaya sa kanyang mundo ngayon.

“One year pa lang ang nakakalipas nang magdivorce kami ng mister kong si Norman Bustos. Hindi ko prayoridad ang lovelife although may mga nagpaparamdam at gustong manligaw. May taga-showbiz, may non-showbiz, Pero okey naman ako with my daughter Ashley. Ten years old na siya ngayon. Mas gusto ko sa career muna ako mag-concen- trate. Sasamantalahin ko na ang magagandang oportunidad na dumarating,” pahayag ni Sheryl.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply