Pinas kulang ng 500 bombero – BFP

KAILANGAN pa ng pamahalaan ng 500 bombero upang tugunan ang kakulangan sa mga pamatay sunog sa buong bansa, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Sa isang memorandum na ipinalabas ng BFP personnel director na si Senior Superintendent Maria Sofia Mendoza, mayroong 500 bakanteng posisyon na Fire Officer 1 na aprubado ng direktor ng BFP na si Rolando Bandilla.

Ang pangangalap ng mga bagong Fire Officer 1 ay isa sa mga ginagawa ng ahensya para sa tuluy-tuloy na episyenteng serbisyo sa publiko.

Kaalinsabay ng modernization program, ang pagtanggap ng mga bagong tauhan ay nakikitang magpapalakas sa kakayahan ng BFP sa pagresponde sa mga sunog at iba pang emergency.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo, 645 na mga kabayanan at lungsod ang walang istasyon ng pamatay sunog, habang 666 iba pa ang may mga luma na at sira-sirang fire trucks. Nagpalabas umano ang kaniyang kagawaran ng 170 fire trucks ngayong taon.

Ang mga intresadong maging bumbero ay maaaring magsumite ng kinakailangang dokumento sa BFP national headquarters sa 145 Union Square Condominium, 15th Avenue, Cubao, Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply