Pinas safe haven ng cyber crime syndicates

AMINADO ang Philippine National Police (PNP) na ang kahinaan ng mga batas sa cyber crimes ang isa sa dahilan kung bakit madaling makapasok sa bansa ang transnational organized cyber crime syndicates.

Sinabi ni PNP-CIDG chief, Director Samuel Pagdilao Jr., nakaaalarma na ang sitwasyon dahil mistulang nagiging safe haven na ang bansa ng cyber crime operators na sangkot sa cyber pornography, cyber sex den, illegal gambling, credit card fraud at identity theft.

Inihayag ni Pagdilao na nahihirapan silang sawatain ang cyber crime operators na karamihan ay foreign mafias dahil alam ng mga ito ang organizational at technical incapability ng law enforcement agencies.

Idinagdag ng opisyal na ang cyber crime ay maituturing na crime of the future dahil gumagamit ang mga sindikato ng sophisticated technology kung saan kapos ang kaalaman ng mga awtoridad.

Hinikayat ni Pagdilao ang Kongreso na iprayoridad ang pagpasa ng Cyber Crime Prevention Bill.

Hiniling din ng opisyal sa PNP na suportahan ang organizational at technical capability build-up ng CIDG Cyber Crime Unit upang maging epektibo sa pagresolba sa problema ng

Sa pinakahuling anti-cyber crime operations ng CIDG, lumitaw na pawang Korean mafias ang nagpapatakbo ng illegal online gambling at credit card fraud operations sa bansa.

Ito ay nang maaresto ang Korean hacker na si Shin Un-Sun na wanted sa Pilipinas at Korean National Police Agency dahil sa large scale internet fraud.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply