Pinsala ni ‘Ondoy’ nahigitan ni ‘Pedring’

SUMIRIT pa sa P13.8 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura at imprastraktura ng bagyong “Pedring” na higit na mas mataas kaysa sa naitalang danyos ng bagyong Ondoy noong Setyembre 2009.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kaninang ala-6:00 ng umaga, ang pinagsamang danyos ni Pedring sa sektor ng agrikultura at imprastraktura ay umabot sa PP13, 800,739,509.57.

Tinatayang nasa P11, 834,482,626.76 ang pinsala sa agrkultura at P1,996,256,882.81 sa imprastraktura.

Noong manalasa ang bagyong Ondoy noong 2009 ay umabot sa P10 milyon ang danyos sa agrikultura at imprastraktura.

Samantala, base sa talaan ng NDRRMC, umakyat na sa 95 ang bilang ng namatay dahil sa bagyong Pedring (79) at Quiel (16).

Kabilang sa pinakahuling kaswalidad ni Pedring ay ang dalawang residente ng Hingyon town sa Ifugao province na sina Linda Humiding at Maribel Pugong, na kapwa nalunod.

Habang ang huling kaswaliddad ni Quiel ay sina Alfredo Arnada ng Bataan province; Roberto Montoya at Venancio Yambao ng Pampanga.

Nawawala pa rin ang 34 katao dahil sa dalawang bagyo na ang karamihan ay mga mangingisda mula sa lalawigan ng Bataan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply