Pinay maid, 2 pa huli sa putahan sa UAE

NAHAHARAP ang isang Pinay at dalawa pa sa korte ng United Arabs Emirates sa kasong pagpapatakbo umano ng putahan sa isang apartment.

Ayon sa isang ulat sa news site na Khaleej Times , ang mga kinasuhan sa UAE ay isang 45-anyos na Pinay domestic helper na hindi pinangalanan, isang 48-anyos na Emirati housewife, at isang 60-anyos na Syrian accountant.

Nadagdagan pa umano ang kaso ng Emirati housewife sa pakikipagtalik sa isang bisita nitong Iranian. Sa karagdagang ulat ng Times, iniulat na isang babaeng Arabo at isang Ethiopian maid ang dinala rin sa korte dahil sa gawaing prostitusyon sa loob ng putahan.

Isa umanong nagpanggap na customer na isa palang pulis ang nagbayad sa babaeng Emirati ng 2,000 Dirhams upang makipagtalik sa kanya ang babae . Hinuli agad ang babaeng Arabo matapos maghubo’t hubad sa harapan ng pulis bilang paghahanda sa pakikipagtalik sa inaakalang kostumer. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply