Pinay napabalitang namatay sa lindol sa Turkey

BINEBERIPIKA na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na mayroong isang Pinay nadamay sa malakas na paglindol sa Turkey nitong nakaraang linggo.

Ayon kay Philippine Ambassadress to turkey Marilyn Alarilla, kinukumpirma pa nila ang katotohanan na may isang Pinay na nakapangasawa ng Turkish ang namatay matapos yanigin ang nasabing bansa ng 7.2 magnitude na lindol.

Tinatayang nasa 1,000 mga dokumentadong overseas Filipino workers (OFW) ang nagtatrabaho ngayon sa Turkey.

Samantala, patuloy ang search and rescue operation sa mga taong nadaganan sa mga gumuhong gusali matapos ang pagyanig.

Sa ngayon ay lima na ang nailigtas na buhay, apat sa mga nasagip ay naabutan ng tulong kasunod ng tawag sa cellphone ng isa sa mga natabunan ng mga bumagsak na istruktura.

Pumalo na rin sa 272 ang bilang ng mga namatay at higit 1, 000 naman ang sugatan habang may ilang survivors pa na nahuhugot sa ilalim ng debris.

Partikular na naapektuhan sa lindol ay ang lugar ng Ercis na 80 gusali ang nawasak sa naganap na pagyanig. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply