Sorpresang testigo sa ’04, ’07 poll fraud ihaharap

MAY sorpresang testigo na ihaharap si Senador Panfilo “Ping” Lacson sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa umano ay malawakang dayaan noong 2004 at 2007 elections.

Sinabi ni Senador Koko Pimentel, hindi pa tinukoy ni Lacson ang pangalan ng testigo pero maging siya daw ay masosorpresa sa mga isasalaysay nito hinggil sa dayaan.

Pangunahing isasalang sa hearing si dating Sharia Court Judge Nagamura Moner na siyang nagbunyag ng ginawa nilang operasyon para dayain si dating presidential bet Fernando Poe, Jr., noong 2004.

Inimbitahan din si dating NAIA general-manager Alfonso Cusi na itinuro ni Judge Moner na nag-utos sa kanya para mag-deliver ng pera sa mga election supervisor at operators sa Mindanao.

Samantala, wala pang balak si Pimentel na ipatawag si dating First Gentleman Mike Arroyo dahil siguradong idadahilan na naman nito ang kanyang sensitibong kalusugan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply