Pinoy captain sa NZ oil spill, nagpiyansa

NAGHAIN na kaukulang piyansa ang pinoy na kapitan ng barkong Rena na nagdulot ng oil spill sa bansang New Zealand para sa kanyang pansamantalang kayaan.

Ang kapitan na si Mauro Balomanga ay napag-alamang itong Marso lang nitong taon naging kapitan ng barko. Nakatakda siyang humarap sa korte sa 19 ng Oktubre.

Multang umaabot sa P335,000 at isang taong pagkakakulong ang kakaharapin ni Balomanga kapag napatunayan siyang ng korte na nagkasala.

Samantala, hiniling ng abogado ni Balomanga sa korte na huwang ilabas sa publiko ang larawan ng kapitan sa pangambang baka salakayin siya ng mga mamamayan ng New Zealand, na kaagad naman inaksiyunan at pinagbigayan ang naturang kahilingan.

Pansamantalang tumigil ang NZ authorities sa gigagawang pagkuha sa langis na nagkalat sa kanilang karagatan dahil sa sama ng panahon. Tinatayang umabot ng 350 tonelada ng langis ang natapon sa Bay of Plenty. Sunod na pinangangambahan ang pagkahulog sa dagat sa 11 container na karga nito na naglalaman ng mga hazardous materials.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply