Pinoy pandesal inilunsad

INILUNSAD na ng Philippine Federation of Bakers’ Association, Inc. (PFBAI), Department of Trade and Industry (DTI) at Filipino-Chinese Bakery Association kaninang madaling-araw ang Pinoy pandesal.

Ayon kay Chito Chavez ng PFBAI na piling-pili ang sangkap ng Pinoy pandesal kaya higit na mura ito at garantisadong malinis at masustansya.

Binawasan umano ang ibang sangkap sa paggawa ng pandesal katulad ng mantika at pinalitan ng mas masusustansyang sangkap na halos may kaparehong presyo o mas mura.

Sa ngayon pumapalo na P25 ang 10 pirasong laman ng isang supot ng Pinoy pandesal.

Ayon kay Chavez, standard ang ingredients, timbang, presyo at paraan ng pag-bake ng Pinoy pandesal kaya hinihikayat nila ang ibang panaderya na gumawa na rin ng nasabing pandesal. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply