Pinoy patay sa aksidente sa UAE

PATAY ang isang Pinoy makaraang mabundol ng metallic divider ang minamanehong sasakyan hanggang tumilapon sa dagat ng Khalid Port sa United Arab Emirates, Biyernes ng gabi iniulat ngayon.

Mabilis umano ang takbo ng minamanehong sasakyan ng biktima kaya’t nawalan ng kontrol ang kotse na nauwi sa aksidente.

Hindi pa nagpapalabas ng pangalan ng biktima ang Sharjah police ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Narekober ng pulisya ang maraming bote ng alak sa loob ng sasakyan ng biktima kaya hinala ng mga awtoridad na lasing itong nagmamaneho.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply