Pinoy skilled workers kailangan sa South Korea

“PATOK ngayon sa South Korea ang Filipino skilled workers.”

Ayon kay Atty. Viveca Catalig, Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Deputy Administrator for Employment Welfare, ngayon pa lang, maaari nang magparehistro ang mga interesado para mapasama sa panibagong Government to Government hiring.

Batay aniya sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Korea, aabot sa 5,000 manggagawa ang hinahanap ng mga kompanya doon bawat taon at sa 16 na bansang pinagkukunan ng mga trabahador, Pilipinas ang madalas na nangunguna.

Dagdag ng POEA, hindi bababa sa P50, 000 kada buwan ang sahod ng mga factory worker sa Korea.

Madali lang naman ang mga qualification. Dapat 18-38 anyos, high school graduate, walang criminal record, at legal na pumasok sa Korea.

Payo rin ng POEA sa mga nagpaparehistro, magsanay na ng salitang Koreano dahil kailangan din nilang maipasa ang isang pagsusulit sa Korean languange upang matanggap.

Para sa ilang review questions ukol sa Korean language exams at iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang POEA website.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply