Pinoys hindi muna pinapapunta sa Thailand

PAALALA ngayon ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa publiko na huwag na munang pumunta sa Bangkok, Thailand kung wala namang mahalagang gagawin sa naturang bansa.

Ang paalala ay ipinarating ng pamunuan ng DFA dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha sa Chao Phraya River na umabot na sa sentro ng Bangkok.

Sa katunayan, inaasahang lalo pang tataas ang tubig baha dahil sa high tide sa apektadong lugar.

Pinag-iingat na rin ng embahada ng Pilipinas sa Thailand ang mga Pilipino doon at pinayuhang mag-imbak ng pagkain, malinis na tubig at panatilihing bukas ang linya ng kanilang mga telepono at agad na sumangguni sa embahada sakaling delikado na ang kanilang sitwasyon.

Nakansela na rin ang ilang byahe sa Thailand at pinayuhan ang mga residente roon na lumikas at magtungo sa mas mataas na lugar na hindi maaabot ng tubig baha.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply