PIO chief ng PDEA sinabon, binanlawan

MAGA ang mata at mukha ng PIO Chief ng Philippine Drug Enforcement Agency nang ito ay dumating sa kanyang tanggapan noong Martes ng umaga dahil umano sa kaiiyak.

Ayon sa source ng Lily’s Files, galit na galit umano itong si PDEA Director General for Operations ASEC Carlos Gadapan kay Vangie Almenario, PDEA PIO chief, dahil wala raw ginagawang press release tungkol sa mga nasibak sa serbisyo na operatiba na sangkot sa katiwalian.

Sinasabing gusto raw kasi nina ASEC Gadapan at ASEC Rene Orbe na gumawa ng press release ang PIO ng PDEA kaugnay sa pagkakasibak ng mga tiwaling operatiba rito para malaman na totoo ang ginagawang paglilinis ng ahensiya laban sa mga tiwaling operatiba.

Pero ano ang ginawa nitong magaling na PIO ng PDEA na si Vangie Almenario? Binalewala nito ang utos ng kanyang mga boss. Kaya nang magkaroon ng MADCOM ang matataas na opisyal ng PDEA, ayun, umusok ang ilong sa galit ang dalawang ASEC sa kanilang magaling na PIO.

Marami rin daw importanteng activities ang PDEA na hindi ginagawan ng press release nitong si Vangie katulad ng pagtanggap ng ahensiya ng magandang award sa Hotel Sofitel.

Matagal na raw na nagtitimpi ang mga director ng PDEA sa kanilang PIO chief na si Vangie Almenario, ngunit pinagpapasensiyahan nila ito dahil sobra raw ang lakas nito kay PDEA Director Usec. Jose Gutierrez Jr.

Hinala ng mga matataas na opisyal ng PDEA ay hindi marunong gumawa ng press release ang kanilang PIO dahil magmula umano nang maging PIO Chief itong si Almenario ay wala pa silang nabasa o nalamang ginawa itong release.

Nagtataka lang ang mga taga PDEA kung bakit walang aksiyon dito si Usec. Gutierrez gayung kitang-kita naman ang kapalpakan at kabobohan ng kanilang PIO na si Vangie Almenario.

Ibang-iba talaga ang pamamalakad ni dating PDEA Chief Dionisio Santiago kumpara kay Gutierrez na wala yatang ginagawa kundi ang magkulong sa kanyang airconditioned na opisina.

Kahit sinong mamamahayag ang tanungin mo walang binatbat itong si Gutierrez kay Santiago kahit saan mo daanin: sa pakikisama, sa paghawak ng tao at sa pagdisiplina.

At higit sa lahat magaling pumili ng namumuno ng bawat departamento si Santiago kumpara kay Gutierrez. Sabagay kitang-kita naman. Sa pagpili lang ng PIO ay malalaman mo nang hindi marunong kumuha ng tao itong si Gutierrez.

Maging ang PDEA Press Corps ay bulag din sa mga nangyayari riyan sa loob ng ahensiya gayung nasa loob lang ng compound ng PDEA ang nasabing press corps.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply