Piolo Pascual tinakasan ang press sa Traders Hotel!

READING between-the-lines sa magkahiwalay na pahayag ng magsiyotang Piolo Pascual at KC Concepcion, mukhang papuntang hiwalayan na ang kanilang relasyon sa ngayon.

Sa panayam ng The Buzz kay KC no’ng Miyerkules sa NAIA papuntang Spain, maluha-luha ang Mega-daughter sa pagsasabing kailangan niya ng oras para sa sarili. Sa rami raw nang nangyari at nangyayari pa sa kaniyang buhay (posibleng dahil kay Piolo), kailangan daw niya ng bakasyon para papg-isipan ang lahat-lahat.

“Kailangan ko lang ng ilang araw para huminga ng konti,” ani KC sa The Buzz.

Ibig sabihin, nasasakal na siya sa  pakikipagrelasyon kay Piolo? Hindi naman idinetalye ni KC (I doubt kung magsasalita pa ito at this time sa kung ano ang dahilan?) kung bakit nais niyang takasan ang Pilipinas para makipag-bonding sa mga dating friends, na aniya’y makapagpapasaya sa kaniya sa mga oras na ito.

From bonding sa mga friends, yayayain niya ang mga ito para ipagpatuloy ang nursing a broken heart (?) sa paborito nitong lugar sa Europe, ang Paris.

“Magsa-sidetrip na rin kami sa Paris,” ani KC.

Sa tanong kung nagpaalam ba siya kay papa Piolo sa kaniyang trips sa Spain at Paris? “Hindi ko alam…” ang paiwas niyang sagot.

Sa tanong kung sila pa rin ba ni Piolo? “HIndi ko alam,” tanging sagot lang ng dalaga.

Tsk,tsk,tsk! Sayang naman after all what KC said sa The Buzz in her past interviews na kahit anupaman (ang intriga sa kanila ni Piolo), mahal pa rin niya ang Papa ng Bayan.

***

SA HIWALAY ding panayam kay Piolo sa Traders Hotel last Saturday kung saan ginaganap ang “It’s Time Awards ” ng SunLife where Piolo’s the endorser, umiwas at tinakasan nito ang dose-dosenang cameras at media na alam niyang ang isyu sa kanila ni KC ang uuriratin.

True, sa ambush interview kay Piolo (noong maramdaman ng mga media na patakas na ang aktor), naitanong sa kaniya kung ano ang magaganap sa first year anniversary nila ni KC sa October 21? Sabi ni Piolo, “Sa amin na lang muna ni KC yan.” Sabay takas ng aktor.

***

MARAMING concerned friends at fans ng Korean host-actor na si Ryan Bang ang umapela kung puwede pa itong maibalik as hurado ng Showtime pagkatapos nitong ma-evict sa isang madramang eviction last Saturday sa naturang programa? But according to direk Bobet Vidanes, the program stands for the show’s decision noong mabura si Ryan bilang hurado kahit pa tumagal ito ng isang taon.

Kahit pa inaarbor ni Dimples Romana na ipalit na siya kay Ryan, para makabalik ang komedyanteng Koreano, still pinangatawanan nila ang pagkaburado kay Ryan.

Sa linggong ito pa nama’y anniversary celebration ng Showtime at lahat ng hosts ay may kani-kaniyang production numbers para ipakita ang kanilang kakayahan sa Showtime gaya ng mga kalahok na nagpapakitang-gilas.

Ang winner ay tatanggap ng P100,000 at ia-announce this Saturday. Ang defending champion, sina Jugs at Teddy, ay naghahanda para sa mas malaking premyong handog ng Showtime.

***

START na ang teleseryeng “Budoy” sa primetime ng Kapamilya kasunod ng “100 DaysTo Heaven” at tiyak na isa na namang panoorin ito na kagigiliwan ng mga tao. Bilang special child, ipinakita ni Gerald Anderson kung paano makibaka sa mga alipusta at deskriminasyon sa lipunan sa mga taong gaya niya na may pagkukulang sa isip.

Sa special preview ng Budoy na ginanap sa Podium Cinema last Friday, pinalakpakan ang akting nina Gerald, Barbara Perez, Tirso Cruz lll at ang wala pa ring kupas na akting ni Jance de Belen, ang comebacking Kapamilya star.

Ani Gerald, pinaghandaan nito ang role as special child, sa pagbisita sa mga institusyong nagbabahay ng mga batang may kapansanan.

Nagbabasa at pinapanood din ni Gerald ang ilang Hollywood movies na ang tina-tackle ay tungkol sa taong may batang-isip.

Nakaiiyak at nakaaawa ang mga batang pinagdadamutan ng espesyal na atensiyon ng ating lipunan.

Sana’y maihatid daw nina Ruel Bayani at Tots Mariscal, dalawang direktor ng Budoy, ang mensahe ng estorya ni Budoy para sa ating mga kapatid na hinihiwalay ang pagkatao ng may ganitong pag-iisip sa taong may kumpletong pakiramdam.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply