Pirates magbabakasakali sa Final Four

HALOS kumpleto na ang Final Four sa 87th NCAA seniors basketball competition na ginaganap sa The Arena sa San Juan.

Yapos ng San Sebastian College Stags ang solo liderato na may 15-1 win-loss slate, nasa second spot naman ang defending champion San Beda College Red Lions, (14-2), tersero puwesto ang Letran Knights, (14-3) at kapit naman ng Jose Rizal University Heavy Bombers ang number 4, (8-9).

Panigurado na ang SSC, SBC at Letran habang maliit na lamang ang tsansang malaglag ang JRU sa F4.

Ang guest team Lyceum of the Philippines U Pirates, (7-9) na lamang ang may pag-asang makasampa sa fourth spot kung maipapanalo nila ang dalawang natitirang laro.

Subalit mahihirapan na rin ang Pirates dahil dadaan sila sa napakaliit na iskinita upang talunin ang Stags bukas ng ala-4:00 ng hapon (Oktubre 5).

Sakaling masilat ng LPU ang SSC ay mababale-wala rin kung mananalo naman ang Heavy Bombers sa huli nilang laro laban sa tanggal ng Emilio Aguinaldo College Generals.

Huling makakalaban ng Pirates ang laglag na ring College of Saint Benilde Blazers.

Nasolo ng JRU ang ika-apat na pewsto ng sipain nila ang Mapua Cardinals, 78-64 kahapon.

“Sa ngayon ‘yung huling game ang iniisip namin, we have to beat Emilio Aguinaldo College.” sabi ni Heavy Bombers head coach Vergel Meneses.

Sa juniors, dalawang panalo na lang at makukumpleto na ang 18-game elims sweep ng two-time champion San Beda Red Cubs.

Tinalo ng Red Cubs ang Lyceum of the Philippines Pirates (0-16), 154-35. Elech Dawa

Mga laro bukas;
(The Arena San Juan)
2:00 p.m. – AU vs Perpetual, (srs.)
4:00 p.m. – SSC vs LPU, (srs.)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply