Piston umalma sa planong gawing LPG ang makina ng jeep

MARIING tinutulan ng militanteng grupong transportasyon ang planong patakbuhin ang pampasaherong sasakyan ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Sinabi ni George San Mateo, secretary general ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) na dagdag gastos lamang ang  planong pagsulong ng  pagpapalit ng makina ng jeep sa LPG.

Ayon kay San Mateo, hindi sila nakakatiyak na makatitipid na sila sa gastusin dahil mahal ang pagpapa-convert ng makina mula diesel para gawing LPG.

Hindi rin ito maituturing na solusyon para makatipid sa mahal na produktong petrolyo.

Tanging paraan umano para maibsan ang nararanasan nilang pasanin ay ang ma-regulate ang presyo ng produktong petrolyo sa bansa at pag-alis sa VAT sa langis. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply