Pizza Hut sa Caloocan hinoldap

HINOLDAP ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na nagpanggap na kostumer ang isang branch ng Pizza Hut sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Aabot sa P26,000 ang natangay ng mga salarin sa nasabing pizza parlor sa 10th Avenue ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-12:15 ng madaling araw, pumaasok ang dalawang salarin sa sa Pizza Hut at nagkunwaring kostumer.

Dumiretso ang mga suspek sa counter subalit sa halip na umorder ay naglabas ng baril at tinutukan ang crew na si Jennifer Santos.

Nang makuha ang pakay ay mabilis na lumabas ang mga suspek at sumakay sa puting taxi (UVE-352).

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply