Plaka sa helmet vs krimen ibinasura

HINDI pumayag ang isang senador na buhayin ang panukala na lagyan ng plaka ang bawat helmet ng mga motorcycle rider bilang pangontra sa lumolobong antas ng krimen na sangkot ang mga riding in tandem.

Ayon kay Sen. Gregorio Honasan, minsan nang pinag-usapan sa Senado ang paglalagay ng plate number sa helmet ng mga motorcycle rider noong tinatalakay pa nila ang “Helmet law” ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr.

Ani Honasan, napagkasunduan nilang ibasura ang naturang panukala dahil sa kanilang paniniwala na hindi rin malulutas ang mga krimen na gawa ng riding-in-tandem kahit na gawin nilang batas ang paglalagay ng plaka sa helmet.

“Kung gagawa ka ng krimen na yan, hindi ka naman gagamit ng baril na rehistrado, most probably gagamit ka ng carnap mang-aagaw ka ng motor, gagamitin mo sa krimen tapos itatapon mo na,” paliwanag ni Honasan.

“So yung helmet pag itugma mo yan sa plaka, puwede pero kung kriminal ka, may masama kang balak eh bakit ka dadaan sa checkpoint? Bakit ka gagamit ng helmet na maa-identify ka?,” giit pa ng senador.

Sa ngayon, wala pang naiisip na solusyon si Honasan para masugpo ng Philippine National Police (PNP) ang mga riding-in-tandem, pero bilang precautionary ay dapat triplehin umano ng mga mamamayan ang kanilang pag-iingat habang hinahanapan pa ng solusyon ang problemang ito.

“Doblehin natin o triplehin ang public information para mag-iingat hangga’t hindi tayo nakaka-develop ng intelligence,”ani Honasan.

Nitong nagdaang araw ay giniit ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Land Transportation Office (LTO) na lakihan ang plaka ng mga motorsiklo at lagyan ng control number o plaka ang kanilang helmet upang sa gayon ay madaling malalaman ng pulisya ang mga motor at rider na sangkot sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply