PLDT-Digitel merger, kinatigan ni Sen. Revilla

KINATIGAN ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang pag-aapruba sa pagsasanib ng Philippine Long Distance Company at Digitel Mobile Phils., Inc., sa ginanap na share-swap ng dalawang kompanya na inirekomenda ng Senate committee on public services.

“The move is only proper considering that our country has one of the highest interconnection rates in the Asia Pacific region,” ayon kay Revilla sa ipinalabas na pahayag nitong Biyernes.

Dahil dito, hinikayat din ni Revilla ang National Telecommunications Commission na tiyak na matutupad ng dalawang kompanya ang ipinalabas na pangangailangan hinggil sa share-swap deal upang protekahan ang consumer.

“As our committee recommended, it must protect the interests of the consuming public and uphold fair competition in any merger, consolidation, acquisition or similar transaction of telecommunication companies,” aniya..

“Hence, its directive to PLDT to divest itself of 10Mhz of 3G radio frequency is commendable,” dagdag ng senador.

Pinuri rin ni Revilla ang komisyon sa pinangunahang panukala na kabilang na pagbabawas ng halaga sa interconnection charges na ibinabayad ng concumser na hiwalay sa regular na rates sa kanya-kanyang network kapag gumagamit ng serbisyon tulad ng SMS at voice call sa ibang networks.

“Bilang chairman ng Senate Committee on Public Services, babantayan natin ang mga susunod na mga magiging kaganapan sa transaksyon ng PLDT at Digitel.  Titiyakin natin na ang pagsang-ayon nila sa mga kondisyon ng NTC ay hindi hanggang sa papel lang, dapat tuparin nila ito,” patapos niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply