PLDT-Digitel merger patuloy na hinaharang sa Kamara

TAHASANG tinutulan ngayon ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ang pagkaka-apruba sa pagsasanib ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) at Digital Telecommunications Philippines Inc. (Digitel) gayung hindi pa aniya nareresolba ang isyu ng PLDT equity structure.

Dahil dito, hinimok ni Castelo ang Kongreso na dagliang siyasatin ang PLDT-Digitel share swap deal upang mabatid kung nilabag nito ang probisyon sa konstitusyon ukol sa monopolya, cartels, at iba pang pagsasanib ng dalawang kompanya na nangangailangan ng congressional franchise.

“The details of the PLDT and Digitel congressional franchises would be carefully revisited, examined, and scrutinized to determine whether Congress has allowed them to merge without surrendering their current franchises and securing a new franchise,” ayon kay Castelo.

Ginawa ng kongresista ang kaniyang paghimok sa Kamara na siyasatin ito matapos ilantad ng mismong PLDT sa Philippine Stock Exchange (PSE) na inaprubahan ng National Tele-communications Commission (NTC) ang joint application “for the sale and transfer of initially approximately 51.55 percent of the outstanding capital stock of Digitel to PLDT.”

Batay sa desisyon ng Supreme Court noong June 28 sa petisyon na inihain ni dating Defense Undersecretary Wilson Gamboa na ang PLDT ay isang dayuhang kompanya dahil ang mahigit sa 60 porsiyento nito ay pag-aari ng Hong Kong-based First Pacific Ltd., na sinasabing investment arm ng Salim family ng Indonesia.

Banggit pa ni Castelo na bago ito denisisyunan ng NTC ay dapat munang hinintay ang desisyon ng Supreme Court sa nakabinbing motions for reconsideration na inihain ng PLDT, Securities and Exchange Commission (SEC) at iba pang apektadong sector na kumukwestyon sa desisyon ng SC sa kaso ni Gamboa.

“The PLDT-Digitel share swap deal will lead to a merger of the country’s first and third largest telecommunications companies into a single telecommunications entity, but the issue is still PLDT’s equity structure,” ani Castelo. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply