PMI tinanggalan ng 2 kurso

TINANGGALAN ng Commission on Higher Education (Ched) ang PMI Colleges, Manila at Quezon City campuses ng dalawang kursong pang-seaman matapos silang hindi mnakasunod sa mga requirements.

Ipinasara ng Ched ang mga kursonng BS Marine Transportation (BSMT) at BS Marine Engineering (BSMarE) programs ng PMI, epektibo sa second semester ng SY 2011-2012.

Ayon sa Ched, hindi makasun od ang PMI sa mga standards ng kanilang tanggapan, batay sa STCW at Ched requirements.

Dahil dito, hindi na umano maaaring tumanggap ng bagong estudyante ang PMI sa nasabing mga kurso, at ang mga kasalukuyan namang naka-enroll ay ililipat sa mga iskwelahang nakasunod sa mga requirements ng Ched.

Hindi pinagbigyan ng Ched ang isinumiteng Motion for Reconsideration ng PMI Colleges dahil anila, malabong makasunod ang nasabing iskwelahan sa mga requirements.

Dahil dito, binigyang kapangyarihan ng Commission en Banc si Executive Dir. Atty. Julito Vitriolo na mag-isyu ng kautusan sa Ched National Capital Region (NCR) Office na agad ilipat ang mga estudyante ng PMI na apektado sa ibang iskwelahan.

Gayunman, hindi na umano apektado nito ang mga graduating students. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply