PNoy binalaan sa napipintong food crisis

BINABALAAN ng isang kongresista ang administrasyong Aquino na huwag ipangwalang bahala ang napipintong krisis sa pagkain.

Binanggit ni Cagayan Rep. Jack Enrile ang pinakahuling babala mula sa United Nations at iba pang eksperto na magkakaroon ng krisis sa pagkain sa halos buong Asya kasabay ng pagtataas sa presyo nito dahil sa sunud-sunod na pagbaha at bagyo na sumalanta sa iba’t ibang rehiyon sa Asya.

Dahil dito inudyukan ng kongresista si Pangulong Aquino na sertipikahang urgent ang kaniyang House Bill No. 4626 o Food for Filipinos First Act of 2011 dahil ito aniya ang mga repormang kinakailangan upang maagapayan ng Pilipinas ang lumiliit na suplay ng pagkain.

“We are again appealing to the President to act decisively on warnings that are being sounded by both local and international experts. With rising pressures on food production not only in the Philippines but in many food-producing countries in the region, the government should not lose time in instituting meaningful reforms in our agricultural sector if we are to protect our people from a potential food crisis,” ayon kay Enrile.

Sa ulat ng UN Food and Agriculture Organization noong October 21 ay sinasabing ang Southeast Asia ay nahaharap sa seryosong kakulangan sa supaly ng pagkain matapos bahain at sirain ang maraming pananim.

Kabilang sa mga nawasak ay ang 12.5 porsiyento ng palayan sa Thailand, 12 porsiyento sa Cambodia, 7.5 porsiyento sa Laos, 6 porsiyento sa Philiinas, at 0.4 porsiyento sa Vietnam.

Banggit pa ni Enrile na tila nawawalan ng saysay ang pangako ni Aquino sa nagdaang SONA na hindi na aasa pa ang gobyerno sa importasyon ng bigas dahil hindi naman nito sinusuportahan ang mga panukalang batas na magsusulong sa long-term food security.

“Various sectors pushing for reforms in the sector are still waiting for Malacañang to show a strong resolve pushing for solutions to address crucial issues such as food security and agricultural competitiveness which are being proposed in the bill,” sinabi pa ni Enrile. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply