PNoy: Di ako nagbi-video games noong Luneta hostage crisis

TAHASANG itinanggi ni Pangulong Benigno “PNoy” III ang alegasyon na naglalaro siya ng video games noong maganap ang Manila Hostage Crisis noong Agosto, 2010 na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals at ng hostage-taker na si Rolando Mendoza.

Inamin ni Pangulong Aquino na nainsulto siya ng tanungin ng mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) ukol sa isyu.

Ayon sa Pangulo, mapatutunayan ng kanyang calendar of activities na sa naturang araw na sunud-sunod ang mga opisyal ng gobyerno na pinanumpa niya sa tungkulin.

Iginiit rin ng Punong Ehekutibo na na regular siyang nakikipag-ugnayan noon kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Jesus Verzosa ukol sa nagaganap na hostage crisis.

Aniya pa, kahit noong pauwi na siya sa Tarlac, na kanyang pangunahing ginagawa kapag na gustong mag-relax ay hindi na niya magawa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply