PNoy dismayado sa Basilan clash

NAGPAKITA ng pagkadismaya si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa nangyaring engkuwentro ng militar at MILF sa Basilan kung saan 19 na sundalo ang napatay, marami ang nasugatan at lima naman ang nasawi sa MILF.

Base sa pahayag ni residential Spokesman Edwin Lacierda, nagalit ang Pangulo nang mabalitaan ang kaguluhan sa gitna ng pagpupursige ng gobyerno na isulong ang peace process.

Dagdag pa ni Lacierda, hindi katanggap-tanggap ang paliwanag na nagkaroon ng misccomunication sa ground kaya nagkabarilan kung saan may umiiral naman umanong ceasefire agreement kaya hindi inasahan ang ganitong tugon ng MILF.

Ipinaubaya naman kina government chief negotiator Marvic Leonen at Peace Adviser Teresita Deles ang pakikipag-usap sa mga MILF counterparts kasunod ng karahasan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply