PNoy dumepensa sa ‘late response’

DUMEPENSA si Pangulong Noynoy Aquino sa pagbatikos sa huling pagresponde ng gobyerno sa panahon ng kalamidad.

Sinabi ng Pangulo mula sa Calumpit, Bulacan na kung tutuusin ay mas mababa ng 10 porsiyento ang naitalang casualties sa bagyong Pedring na higit 50 kumpara sa ‘Ondoy’ na umaabot sa 400.

“Maayos ang konsensiya ko, maganda ang performance ng gobyerno,” ani Pangulong Aquino.

Ayon kay PNoy, bagama’t target nila ang zero casualty ay hindi talaga ito maiiwasan.

Problema pa rin aniya kasi ang kooperasyon ng mga tao at ito ngayon ang kanilang tinatrabaho.

Matapos ang pag-iikot sa Tarlac, Pampanga at Bulacan, dumalo ang Pangulo sa meeting ng Regional Development Council (RDC) sa Calumpit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply