PNoy kinalampag sa pagbebenta ng dugo ng OFWs sa Saudi Arabia

HINIKAYAT ng isang arsobispo na kumilos na si Pangulong Benigno “Pnoy” Aquino III kaugnay sa balitang maraming overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia na nagbebenta ng dugo.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, nagpapatunay lamang ito kung gaano na kahirap ang buhay sa bansa kaya marapat lamang na seryosohin ito ng Pangulo upang mabigyan ng kaukulang pansin ang mga OFW sa nasabing bansa.

Dagdag pa ng arsobispo, ang labis na kahirapan sa ating bansa ang maaaring dahilan kaya nagbebenta na rin ng dugo ang mga Pinoy workers sa Saudi.

Aniya pa, dapat ng kumilos at tulungan ni Pangulong Aquino ang mga OFW bago pa mapariwara ang kanilang buhay at masangkot sa hindi magandang gawain.

Inihalimbawa din ng arsobispo ang kalagayan sa Pilipinas na maraming Filipino ang walang trabaho kaya nagbebenta na lamang ng kanilang organ gaya ng kidney para lamang magkaroon ng pera upang tustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Kaya sana, the Aquino government would take an action to this. Tulungan nila ang mga kawawang OFW na ito sa Saudi. At higit sa lahat, para maiwasan na ito, mag-create tayo ng maraming trabaho sa bansa. Mali ang pananaw na mas magandang magtrabaho abroad. Sana baguhin natin ang pananaw nayan!” bahagi ng pahayag ni Arguelles sa panayam ng church-run Radyo Veritas!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply