PNoy, kinondena ng mga sundalo sa text

KINONDENA ng kasundaluhan si Pangulong Benigno Aquino III sa pamamagitan ng kumakalat na text messages hinggil sa kawalan ng pagpapahalaga sa buhay ng sundalong kinakatay ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sa ipinadalang text messages sa www.remate.ph, sinabing sumisigaw ng katarungan ang mga mandirigmang sundalo tulad ng pagmasaker ng MILF sa 19 sundalong nakipagsagupaan sa Basilan kamakailan.

Hindi inilathala ang numero ng cellphone ng nagpadala upang pangalagaan ang seguridad ng sender na nagmula sa Mindanao.

Ayon sa texter, kailangan nang itigil ng Armed Forces of the Philippines at administrasyon ni Pangulong Aquino ang “papogi” sa media habang kinakatay ng rebeldeng grupo ang mga sundalo.

Hiniling din ng texter na dapat nang itigil ng mga pulitiko ang pagsawsaw sa isyu na tulad din ni Pangulong Aquino, hindi pinahahalagahan ang buhay ng mga sundalong nakikipagbakbakan.

Nauna nang sinisi ni Pangulong Aquino ang AFP sa pakikipagsagupaan sa MILF sa kabila ng sunod-sunod na pag-atake ng MILF sa hanay ng militar na ikinamatay ng maraming sundalo.

Pinakahuli ang pagkamatay ng pitong sundalo sa Sibugay, Zamboanga nitong huling bahagi ng nakaraang linggo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply