PNoy, kinulit sa dagdag-sahod sa teachers

KUNG nais ni Pangulong Benigno Aquino III na umunlad ang bansa, dapat dagdagan ang badyet o pamuhunan na inilalaan ng administrasyon sa sektor ng edukasyon partikular ang mga guro na magkaroon ng disenteng sahod at benpisyo.

Ganito ang paniniwala ni Sen. Alan Peter Cayetano sa isinusulong na patakaran ng administrasyon ni Pangulong Aquino sa pagpapaunlad ng bansa na dapat umanong magsimula sa paglalaan ng mas malaking badyet sa edukasyon.

Aniya, pangunahin ang papel na ginagampanan ng edukasyon sa kaunlaran ng bansa kabilang ang pagtitiyaga ng mga pampublikong guro sa pagtuturo ng murang kaisipan na paghahanda sa kinabukasan ng ating bansa.

Naghihimutok si Cayetano sa masamang kalagayan ng pampublikong guro na ikinokonsiderang isa sa pinakamahirap na sektor sa bansa dulot ng maliit na sahod at kapos na suporta ng gobyerno.

Tinaya ni Cayetano na hindi magkakasya ang buwanang sahod ng mga guro dahil nagbabayad sila ng P5,000 renta sa bahay at meal allowance na P50 kada araw para sa bawat miyembro ng anim nakataong pamilya na nagkakahalagang P9,000.

Naalarma din ang lider ng minorya sa pagpunta ng mga guro sa abroad upang makahanap nang mas magandang sahod base sa records ng Philippine Employment Administration (POEA) na umaabot sa 882 guro ang umalis ng bansa noong 2010 at nagtungo sa abroad bilang domestic helper.

Kaya’t hinikayat ni Cayetano ang administrasyon na itaas ang suportang ibinibigay sa tinatayang aabot sa 600,000 public school teachers sa pamamagitan ng tunay na implementasyon ng Magna Carta for Public School Teachers Act.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply