PNoy, mga kapatid dumalaw na sa puntod ng mga magulang

DUMALAW na sa puntod nina Sen. Benigno “Ninoy” Aquino at dating Pangulong Cory Aquino sa Manila Memorial Park sa Parañaque City si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kasama ang kanyang mga kapatid ngayong hapon.

Mas pinili ng magkakapatid ang dalawin ang mga magulang ngayong araw para hindi na umano makaabala sa mga tao bukas, Nobyembre 1.

Matapos ang misa ay nagrosaryo pa ang magkapatid bago nilisan ang puntod ng mga magulang.

Nagpasalamat naman ang aktres na si Kris Aquino sa lahat ng Filipino na patuloy ang suporta sa kanilang pamilya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply