PNoy pinag-iingat sa panghihimasok ng US

MAG-INGAT!

Ito ang ipinayo ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa administrasyong Aquino matapos ihayag ng pamahalaan ng Amerika na isa ang gulo sa Mindanao sa nais nilang ayusin kasama ang 57 miyembro ng Oganization of the Islamic Conference (OIC).

Paglilinaw pa ni Casiño na bagama’t nais nila ng ganap na kapayapaan sa Mindanao ay hindi naman nakapagtataka na magka-interes dito ang Estado Unidos dahil mayaman sa likas na yaman at maganda ang strategic location ng rehiyon.

Dagdag pa ng kongresista na ang pahayag na ito ng Amerika ay pagpaparamdam lamang na malaki ang interes nito pagdating sa ekonomiya, pulitika at sandatahang lakas ng bansa.

Ito marahil ayon kay Casiño ang mga pangunahing dahilan kung bakit hanggang ngayon ay pilit na nakikipagkasundo ang Amerika sa Pilipinas kahit wala na ang base militar sa bansa.

Nangangamba rin  si Casiño  na kapag hinayaan ng administrasyong Aquino ang mga sundalong Amerikano sa bansa gaya ng pagsasagawa ng joint military exercises  ay malaki ang posibilidad na maging sunod-sunuran ang bansa sa mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply