PNoy sa pakikialam sa Marcos burial pinuna

HINDI na dapat nakialam pa si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa isyu ng state funeral kay dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sinariwa lang nito ang sugat ng dalawang pamilya at siyang humahati din sa ating bansa.

Binibyang diin ito ni Sen. Gregorio Honasan matapos punahin ang paglalantad ng posisyon ni Pangulong Aquino sa Marcos burial na taliwas sa naging rekomendasyon ni Vice-President Jejomar Binay.

Ayon kay Honasan, kung sinunod sana ng Pangulo ang rekomendasyon ng bise-presidente na magkakaroon ng full military honor si Marcos pero sa kanyang bayan sa Ilocos Norte lang ito ililibing imbes na sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio sa Taguig, natapos na sana ang isyung ito.

Pero ang nakakalungkot aniya, nagsalita pa si PNoy sa harap ng mga miyembro ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) kung saan binasura niya ang state funeral kay Marcos kung kayat nag-aalburuto tuloy ngayon ang pamilya ng dating Pangulo.

Binigyang-diin pa ni Honasan na sa una pa lamang ay dapat ipinaubaya na lamang ng Pangulo sa administrator ng Libingan ng mga Bayani ang pagdesisyon sa lilibingan ni Marcos at hindi na dapat ito pinadaan pa kay Binay, na ang rekomendasyon bandang huli ay binalewala din ng Pangulo.

Matatandaan na si Honasan ay isa sa naging instrumento para mapatalsik si Marcos noong 1986 EDSA Revolution. Pabor ito sa paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply