PNoy puwedeng maakusahan ng treason

MAY pananagutan ang Malakanyang na klaruhin sa publiko ang P5 milyong financial assistance na ipinagkaloob ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Paglilinaw pa ni House Minority Leader at Albay Rep. Edcel Lagman na bago pa man maakusahan si Pangulong Aquino ng pagtataksil o culpable violation of the Constitution ay kailangang maipaliwanag nito sa sambayanan ang ukol sa donasyong P5 milyon sa MILF.

“If the donation or grant of P5 million was pursuant to an agreement during the Formal Exploratory Talks in Malaysia in 2007 to help establish the Bangsamoro Leadership and Management Institute (BLMI), then Malacañang must produce the alleged agreement to validate the binding obligations of the contracting parties.”

Dapat din aniyang maipabatid sa mga Pilipino kung ang nasabing P5 milyong donasyon ay ibinigay ng gobyerno nang makipagpulong si Pangulong Aquino sa lider ng MILF sa Tokyo, Japan o sa Malaysia nang ipagpatuloy ang peace talks.

Nais din ni Lagman na maibunyag sa publiko kung kaninong account ang ginamit kung tseke ang ibinigay at kung sino ang personal na tumanggap nito.

Maging ang pinagmulan ng pondo o kung nanggaling ito sa GAA 2011 ay kailangan din aniyang maging klaro at kung saan ito gagamitin ng MILF.

Duda rin si Lagman kung P5 milyon lamang ang naibigay na donasyon sa MILF.

Habang nagpapatuloy aniya ang usapang-pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF ay nais ni Lagman na klaruhin ng malakanyang kung ang MILF ay hindi itinuturing na “rebel and secessionist group, which is fomenting discord and committing atrocities in Muslim Mindanao against Philippine soldiers and civilians until now, and therefore an enemy of the State.” Meliza Maluntag

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply