PNoy sinisi sa mabagal na pagkaso kay GMA

MAITUTURING na “political suicide” ang gagawin ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kapag hindi bumalik sa Pilipinas matapos makapagpagamot sa ibang bansa.

Kasabay nito, sinisi nina Bayan Muna Reps. Teddy Casiño at Neri Colmenares ang administrasyong Aquino dahil sa pagpapatumpik-tumpik sa paghahain ng kaso laban sa dating pangulo at mga alipores nito.

Ang mabagal aniya na pagkilos ng administrasyong Aquino ang dahilan upang hindi agad maisyuhan ng hold departure order ng korte si GMA kaya walang balakid anila upang makalabas ng bansa.

“Mrs.  Arroyo, through then DOJ Sec. Alberto Agra, used the DOJ travel watchlist to violate the rights of the Batasan 6 and now she is getting a dose of her own medicine. But this is wrong because only the courts could issue a hold-departure order,” giit ni Colmenares.

Ang karapatang makapagbiyahe ay “constitutional right” at ang pagbabawal sa karapatang ito sa pamamagitan ng isang watch list order lamang ay maituturing na unconstitutional at mapaniil.

Kasabay nito ay nanawagan sina Casiño at Colmenares na dapat ay dito na lamang magpagamot si GMA dahil marami naman magagaling na espesyalista dito.

Ang pagpapagamot aniya sa ibang bansa ay dapat na maging huling opsyon lamang at dapat may rekomendasyon dito ang mga doktor sa mga kilalang pagamutan at mga dalubhasa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply