‘PNoy traydor sa bayan’– Gabriela

TINAWAG na “traydor sa bayan” ngayon ng isang militanteng grupo si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III dahil umano sa pagkampi nito sa mga banyagang negosyo.

Ayon kay Gabriela secretary-general Lana Linaban, malaking katrayduran ang ginagawang ito ni Pangulong Aquino dahil maraming Filipino ang napapahamak.

Ani Linaban, dinedepensahan ng Pangulo ang pagtatayo ng militia groups para sa interes ng pagmimina ng foreign mining companies kahit pa lumalabag sa batas ang mga nasabing kompanya.

Binale-wala umano ng Pangulo ang kapahamakan sa buhay ng mga residente sa mga mining areas na sinisira ng mga banyagang kompanya.

Kahit umano ang panawagan sa Charter change ay para na ring paggahasa sa kabuhayan ng bansa ng mga foreign business.

Nangangailangan umano ang mga foreigner ng resources upang mapalago muli ang kanilang mga negosyo kaya kung bubuksan ang ekonomiya ng bansa sa 100% ownership ng lupa at industriya, makakarekober ang mga foreign company kahit ang kapalit nito ay ang paghihirap ng mga Pinoy. NENET L. VILLAFANIA

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply