PNoy walang alam sa pagsibak kay Parlade

WALANG kinalaman si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkakasibak sa puwesto kay dating Army spokesman Col. Antonio Parlade.

Si Parlade ay sinibak ng Philippine Army leadership dahil sa pagiging kritikal sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at hiniling na masuspinde ang ceasefire agreement.

“That I do not know, I will have to check po. I was not present during the command conference but I will. Perhaps, our counterpart in the military will be in better position to answer that but allow me to
check,” ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte.

Ang katuwiran ni Usec. Valte, hindi sila ang gumagawa ng mga polisya kaya’t malabong may kinalaman ang Chief Executive sa bagay na ito.

Ayon kay Valte, hindi umano personal na opiniyon ang dapat i-ere dahil sumasagot sila para sa mga principal.

Aalamin naman ng Malacañang kung totoong mismong si Pangulong Benigno Aquino ang nagpatanggal kay Parlade.

“Dapat maintindihan ng mga spokespersons na hindi kami gumagawa ng polisya, kundi sumasagot kami sa mga principal,” ani Valte.

Todo-depensa naman si Valte sa naging desisyon ni Pangulong Aquino na sibakin sa puwesto special operations task force chief Basilan na si Col. Alexander Macario.

Sinabi ng opisyal na hindi nangangahulugan na kapag sinibak ang isang opisyal ay may kinakampihan na ang Pangulong Aquino.

Wala naman siyang ideya kung si Macario ang tinutukoy ng Pangulong Aquino na dapat lang na ma-court martial. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply