PNoy walang malasakit sa sundalo – Trillanes

NAGHIHIMUTOK na pinuna ni Sen. Antonio Trillanes IV ang kawalan ng pagmamalasakit ni Pangulong Benigno Aquino III sa damdamin at moralidad ng militar kasunod ng naganap na sagupaan at pagmasaker ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa 19 sundalo Al-Barka, Basilan kamakailan.

Ayon kay Trillanes, lubhang  naging insensitive ang Malakanyang dahil mistulang ipinahiya ni Pangulong Aquino ang militar sa pangyayari na naging sanhi ng low morale ng mga sundalo.

Idinagdag pa ng senador na sundalo, sana man lang, nagpikita ng simpatiya o suporta ang pangulo sa mga sundalo lalo’t marami ang nasawi sa naturang sagupaan.

Kung mayroon man aniyang pagkakamali ang mga sundalo ay hindi dapat sila idiin sa mata ng taong bayan.

“Sana initially nag-sympathized muna siya sa mga sundalo niya, pinakita niya na he’s fully behind them. He sympathized with their cause, and immediately he should have demanded that the MILF turn over the perpetrators of this particular incident. At least ho may ganoon sanang statement,” ayon kay Trillanes.

Dagdag pa ng senador maari namang punahin ng pangulo ang mga kawal ng pamahalaan kung may pagkakamali na hindi na kailangan malaman ng publiko lalo na ng mga rebelde.

“Privately, pinatawag niya ‘yung commanders, ‘yung Chief of Staff, dinirect niya, mag-conduct ka ng investigation bakit tayo nalagasan ng ganyang karami, para malaman din natin. Kasi ganito ano, nangyari napo ‘yan before eh, bakit nangyayari ulit?” wika pa ni Trillanes.

Sa kabila nito ay tiniyak ng senador na itutuloy nito ang kanyang balakin na busisiin sa Senado ang naturang pangyayari upang malaman kung sino ang may kapabayaan.

“Unang-una bakit sila pinadala doon ill-equipped sila, wala silang basic load, ang magazine nila isa, dalawa lang, ‘yung iba apat at the most. Tapos 40 lang silang pinadala doon, sa isang lugar na ‘yung 100 plus na Marines were pinned down a few years ago by the same person na kukuhanin nila. And bakit walang nag-reinforce after six to nine hours of firefight and finally scuba diving course ito, hindi pinapadala sa test mission ‘yung mga ganito,” dagdag pa ng senador.

Una rito ay mistulang sinisi pa ni Aquino ang mga sundalo sa pangyayari at nagbanta na maaaring isalang sa military court ang mga opisyal ng militar sakaling mapatunayan na nagkaroon ng kapalpakan sa naganap na operasyon.

Nabatid na dahil sa naturang pangyayari sinibak din sa pwesto sina AFP Special Operations Task Force Commander Col. Alexander Macario at Army Spokesman Col. Antonio Parlade.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply