PNoy walang palabra de honor – Bongbong

TINAWAG ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na “walang isang salita” si Pangulong Benigno Aquino III sa pagbibigay parangal sa kanyang yumaong ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos, alinsunod sa rekomendasyon ni Vice President Jejomar Binay.

Sa panayam, sinabi ni Marcos na nagmistulang sarsuwela lamang ang kautusan ni Pangulong Aquino kay Binay na pag-aralan ang isyu sa Marcos burial at magbigay ng rekomendasyon hinggil dito.

“Sarsuwela lang pala ang ginawang pg-aaral na iniutos ni Pangulong Aquino kay Vice President Binay at pinaasa lamang ang ating mga kababayan,” ayon sa nakababatang Marcos.

Sinabi pa ng senador na nanatiling nababalot ng pulitika ang administrasyon ni Pangulong Aquino taliwas sa ipinangako nitong pangungunahan ang bansa patungo sa pambansang pagkakaisa.

“This is not the act of a leader, is not the act of a head of state, is not the act of somebody who is trying to bring the country together but it is somebody who  is continueng  to promote a divisiveness of partisan politics,” ayon kay Marcos.

Aniya, sinayang ng chief executive ang pagkakataon na mapagkaisa niya ang lahat ng sektor patungo sa pambansang kaunlaran at sa halip ipinairal ang partisan politics na lubhang magpapahati muli sa ating lipunan.

“He wasted the chance to unify the country,” giit niya.

Nanghihimutok din si Marcos kay Aquino nang tablahin ang rekomendasyon ni Binay kabilang ang panukala ng maraming sektor na tuluyan nang isara ang naturang yugto sa kasaysayan na mabigyan ng state burial ang dating Pangulo.

Nauna nang inirekomenda ni Binay kay Pangulong Aquino na ipalibing ang dating presidente sa bayan nito sa Batac, Ilocos Norte na may full military honors sa halip na ilibing sa Libingan ng mga Bayani na siyang kagustuhan ng pamilya Marcos.

Samantala, hiniling naman ni Senate President Juan Ponce sa lahat ng unawain ang pahayag ni Pangulong Aquino dahil anak siya ng dating senador na pinaslang sa panahon ng diktadurya ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa ni Enrile na hindi dapat sisihin ng pamilya Marcos kay Panguong Aquino ang ganitong pahayag na isang natural na reaksiyon ng isang anak na piñata ang ama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply