PNP: Bodyguards ni Llamas may pananagutan sa unlicensed firearms

IPINAHAYAG ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na posibleng mahaharap sa kasong administratibo ang dalawang bodyguard ni Presidential political adviser Ronald Llamas dahil sa paglabag sa alituntunin sa tamang paghawak ng mga armas.

Sinabi ni PNP Firearms and Explosives Office head Chief Superintendent Napoleon Estilles, ikinokonsidera na niyang kanselahin ang licensed firearms ng naturang mga bodyguard na nagdala ng mga armas na hindi sa kanila naka-lisensya.

Ang armas na kanilang dala ay iniulat na nakalisensiya kay Llamas.

Nag-igting ang sigalot nang masangkot ang Mitsubishi Montero ni Llamas sa aksidente sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at matagpuan ang kargang high-powered firearms.

Sinibak naman agad ni Llamas na kasalukuyang nasa ibang bansa nang maganap ang insidente ang kanyang dalawang staff.

Ayon naman sa pahayag ng Office of the Political Adviser (OPA), ginamit ng bodyguards na sina Joey Tecson at John Alarcon para sa kanilang personal na gamit.

Inatasan sina Tecson at Alarcon na gamitin ang naturang sasakyan para pumunta sa bahay nito upang bantayan sa panahon na wala si Llamas dito.

Gayunman, sinabi ng OPA na ang mga armas na nakita sa video footage na kuha sa accident scene ay  naka-rehistro at may balidong lisensiya.

Sinabi ni Estilles na pinayagan si Llamas na magdala ng high-powered firearm, dahil bukod sa isa itong opsiyal na may ranggong governor ay may pagbabanta rin sa kanyang buhay.

Gayunman, ipinaliwanag ni Estilles na ang permit para sa isang high-powered firearm ay hindi kasama ang bodyguard.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply