PNP handa na sa long weekend, blue alert itinaas na ng NDRRMC

IKAKALAT na ang 5,000 police personnel ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbantay sa seguridad ng Metro Manila ngayong nalalapit na long weekend, para ngayong buwan.

Ang nasabing deployment ay bahagi ng security plan ng awtoridad kasabay ng inaasahang pagtungo ng maraming residente sa mga sementeryo bilang paggunita ng All Saints’ at All Souls’ Days.

Tiniyak din ni Carlos na tututukan ng mga otoridad ang vital facilities kagaya ng mga tanggapan ng gobyerno at terminals, airports at seaports.

Samantala, inalerto na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang lahat ng regional directors nito para paghandaan ang maraming bakasyonista na magtutungo sa kani-kanilang mga lalawigan.

Itinaas na ng NDRRMC ang blue alert status bilang paghahanda sa paggunita ng Undas.

Simula sa Oktubre 30 ay itataas na ng NDRRMC ang red alert status kung saan 24 oras nang naka-alerto ang kanilang mga tauhan para rumesponde sa anumang emergency situation.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply