PNP naka-full alert simula Miyerkules para sa ‘Oplan Kaluluwa’

ILALAGAY na sa full alert ang Philippine National Police (PNP) sa Miyerkules bilang paghahanda sa ‘Oplan Kaluluwa,’ sa pag-oobserba ng Undas.

Gayunman, ayon kay PNP Spokesperson Agrimero Cruz, Jr., ngayon pa lang ay naglagay na sila ng mga pulis sa mga lugar na magiging matao sa paggunita ng Undas.

Kabilang sa mga binabantayan ng mga kapulisan ay ang mga istasyon ng bus, mga paliparan at mga daungan.

Binabantayan na rin nila ang galaw ng mga grupong kriminal na posibleng maghasik ng kaguluhan sa panahon ng nasabing okasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply