PNP R4-A nabili ni de Belen at Lido de Parish sa Chinatown

PULIS ang may hawak ng kinikilalang number 1 na putahan ngayon sa Chinatown.

Mariing kinokondena ng mga taong simbahan ang nangyayaring milagro sa loob ng Lido de Parish KTV na makikita sa Ongpin St. na ‘di kalayuan sa simbahan ng Sta. Cruz.

Menor de edad na mga neneng ang pangunahing paninda ng isang Wilsan Chua sa kanyang night club na kapag natipuhan mo na ay puwede mo nang iakyat sa hotel na pag-aari rin niya.

Malakas daw kasi kay yumao, este, umalis na MPD Dir. Roberto Rongavilla itong si Chua kaya lantaran kung magtinda ito ng laman.

Anak ng pitong pokpok!

Ngayong kay bagong MPD Dir.  Alex Gutierrez siguradong hindi ka lulusot.

Col. Gutierrez, pakisilip naman po kung sino ang mga pulis na humahawak daw d’yan sa Lido de Parish para naman mabigyan natin ng ULTIMATUM.

Kung sino ang mga lespu?

ABANGAN! NABILI NA ANG R4-A

Isang Dan de Belen daw ang nakabili ng lahat ng intelihensiya o yung lingguhang payola r’yan sa Region 4-A o CALABARZON.

Isang opisyal na kilala sa tawag na Peralta ang tumatayong handler nito na tumatanggap ng lingguhang payola para sa PNP Region 4-A.

Tsk!Tsk! Tsk! Alam kaya ni R4-A Dir. Gil Meneses ang nangyayaring ito na nabili na ang R4-A?

MALINIS SI MENESES

Kilalang magaling, matapat at hindi nanghihingi na opisyal si Meneses kung kaya’t naniniwala tayong tumangkad ito sa bukol sa kanyang opisyal na si Peralta at kolektor na si De Belen.

Nakita n’yo, mga Bro, hindi nanghihingi…. pero handa kaya s’yang tumanggap?

Hooops! General, huwag n’yo naman sabihing mayroon din kayong TANGGAPan.

‘Yun bang Punong TANGGAPan ni Gen. Meneses.

MINUMURA SI GEN. MENESES

Alam n’yo ho ba, Gen. Meneses, na umiiyak si De Belen dahil napakalaki raw ang pagkaka-bid n’ya sa koleksyon d’yan sa R4-A.

Minumura ka ng gagong si De Belen na yan at sinasabi sa mga media na saksakan ka raw ng takaw.

Hooops! Pero hindi po naniniwala ang ULTIMATUM dahil kilalang demonyo yang si De belen noong kolektor pa yan ni Wykes.

TULOY ANG PARATING

Ipinagkakalat din ni De Belen na kahit marami ang tumigil na pasugal sa R4-A ay hindi naman nababawasan ang kanyang iniintrega kay Peralta.

Kung saan ang malinis na pangalan mo na naman, general, ang binabanggit na nag-utos.

P1 MILYON GOODWILL

Marami ang tumigil na iligal sa R4-A dahil grabe raw kung manghingi itong si De Belen.

Sa paihi lamang ng LPG, diesel at gasolina ay P1milyon ang hinihingi nito bilang goodwill. Sa perya naman na larong lupa ay P200 thousand ang hinihingi nitong goodwill kada butas.

Sa iligal na STL bookies ay P1milyon din ang hinihingi ni De Belen pero nagkagulo sa Lipa, Batangas dahil nang tumanggap sa gambling lord na si Boy Bata ng P300,000 si Peralta at P200,000 si De Belen ay bigla na lang nalusaw ang usapan.

KAY SISON NA ANG BOOKIES SA LIPA

Ibinigay raw sa grupong Pangasinan ni De Belen ang operasyon ng STL Bookies.

Nakilala lamang sa tawag na Sison ang kasalukuyang nagmamaniobra ng iligal na sugal sa Lipa, Batangas.

P2 milyon daw kasi ang ibinigay nitong goodwill money kay De Belen, kaya estafa ang inabot ni Boy Bata.

Binabawi na ni Boy Bata ang naibigay na P500 thousand sa dalawa pero pinagtataguan na raw ito.

Aba’y Tanga! Hindi ka kasi humingi ng resibo!
Nyeeee!

uzi text

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

MENOR DE EDAD NA RAPIST

Paano po yan, sir, yung rape-slay suspect kay Jeen Ann de Guzman na nahuli, e, palalayain lang.
Kasi under-age.

Ano ba yung batas na yan. E baka mangyari na ipapatay na lang din ng mga kaanak ni Jeen Ann sa isang menor de edad din. Wala ring sabit. +63908310

TRAYSIKEL SA CALAMBA

Sir, gud am po. Kaming mga tricycle driver dito sa ruta ng LISP, CROSSING, sakop po ng Brgy. Real, Calamba City ay humihingi ng tulong sa inyo, Ka Benny ng ULTIMATUM. Binabawalan na po kami sa highway gayong ang lugar po namin ay nasa highway mismo. At halos  lahat po ay sa highway dumaraan.
Lumapit na po kami sa aming mayor na si Joaquin Chipeco. Ang sabi sa amin, wala raw silang magagawa. Doon po namin nalaman na wala pong silbi ang lahat ng nakaupo rito sa Sangguniang Panglunsod. Kaya po kami sa inyo dumudulog.
Sana po, KaBenny, matulungan kami rito sa Calamba City. Parang awa niyo na po. Marami ang magugutom dito sa amin. Sa ultimatum, Ka Benny, more power po. +63949456 (Subukan po muna ninyong mag-petisyon na pirmado ng lahat na driver sa inyo).

GARAPAL NA KOLORUM

Gud am po, sir. Sir, yun pong garapal na kolorum na isinumbong ko sa inyo na may plate # TXK 909 ay andito pa rin po. Kasi  malakas daw po sila kay Mayor Abalos. Kaya kahit sino pa raw po ang pagsumbungan namin ay hindi raw po sila natatakot. Kaya, sir, sana po maipaabot po kay MAYOR ABALOS ito para po matigil na ang kayabangan ng may ari ng jip. Salamat po uli. +63929310… (Sagot: Subukan niyo pong sikreto na isumbong muna yan sa LTO).

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM  uwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply