PNP tinututukan ang Manila North Cemetery

PARTIKULAR na sinigurado ng Philippine National Police na ligtas sa banta ng terorismo, karahasan at kaguluhan ang Manila North Cemetery sa panahon ng Todos los Santos kung saan ay inaasahang milyong Filipino ang dadagsa sa mga malalaking sementeryo sa Metro Manila.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., personal na binisita PNP chief Director General Nicanor Bartolome ang Manila North Cemetery para matiyak ang seguridad sa paggunita ng Araw ng mga Patay.

Batay  sa report na natanggap ni Manila Mayor Alfredo Lim mula kay Manila Police District Director Alex Gutierrez, kuntento naman si Bartolome sa preparasyon ng mga pulis.

Maliban sa mga pulis at kagawad ng AFP, nasa mahigit 1,000 volunteers na umano ang nakadeploy sa nasabing sementeryo.

Nabatid na bukod sa security preparation na isinagawa ng city government sa Manila North Cemetery at South Cemetery, pinalis din ito at pinapinturahan pa sa City Engineer Office sa pamumuno ni Engineer Armand Andres at Department Public Sanitation.

Samantala, nilinaw naman ni Bartolome na walang specific threat sa Metro Manila mula sa anumang grupo ng terorista.

Inihayag ni Bartolome na patuloy ang kanilang ugnayan sa counterparts sa AFP para maberipika ang mga impormasyon.

Sa ngayon, puro general information umano ang kanilang tinatanggap at bina-validate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply